Community Rules
Hello, Kapamilya at welcome sa myTFC Asia Pacific Community website!
Dito, pwede kayo mag-submit ng mga posts tungkol sa kahit anong bagay. Para lang syang isang Facebook Group na kailangan ma-approve ng Administrator o Moderator (Admin/Mod) para ma-publish sa website. At tulad ng isang Facebook Group, may mga rules and regulations din dito na kailangan masunod para maiwasang ma-ban sa pag-gamit ng platform na ito.
Tungkol sa pag-submit ng isang Post:
- Siguraduhing lahat ng *required fields sa form ay na-fill up.
- Siguraduhin na tama ang topic na iyong pino-post.
- Wag kang bastos. Bawal mag-submit ng post na may kahit anong naka-hubad, kalaswaan, kabastusan, o violent.
- Wag kang racist. Bawal mag-post ng kahit anong racist o discriminating sa kahit anong lahi, gender, or religion.
- Iwasan po ang pagmumura.
- Bawal ang fake news! Wag kang mag-submit ng isang post na inimbento mo lang na maaring mag-iba ng pananaw ng ibang tao.
- Pag sensetibo ang sinusubmit mo, click mo yung “Post as Anonymous” dun sa form para hindi namin ilagay yung user name mo.
- Pag sinusubmit mo ay tungkol sa pag-hingi ng tulong, mas mabilis kung mag-iwan ka na lang ng message sa Live Chat.
- Mag-report ng mga post na tingin nyo ay lumalabag sa rules dito.
- Mag-enjoy!
Tungkol sa pag-Comment:
- Again, wag kang bastos. I-baban ka namin pag bastos ka.
- Iwasan makipag-away sa comments. Maging open-minded tayo dito. Bawal close-minded.
- Maging constructive ka sa mga comments mo.
- Sana ay related sa Post yung comment mo. Pag gusto mong sumikat, mag-submit ka na lang ng Post. Tignan natin kung papatok.
- Bawal ang “trolling.” Humanap ka ng tulay tapos dun ka sa ilalim kung gusto mong maging troll.
- Iwasan mag-promote ng produkto o company sa comments. Ide-delete namin yun pag walang kinalaman sa post. Kung gusto mo mag-promote, mag-submit ka ng Post.
Yun lang po. Panatiliin nating useful itong site na to para sa lahat ng Pilipino sa Asia Pacific! Mag-tulungan tayo dito, Kapamilya. Astig to!
Kung gusto mo ng full-English translation ng page na to, wait lang. Gagawan namin. K. Tnx!